Ang Balita ng Pagpanaw Mo

MANILA, Philippines – Ophelia Alcantara-Dimalanta, one of the country’s premiere women poets, died of a stroke on Thursday (Nov. 4, 2010). She was 76. – ABS-CBN News Nang marinig ko ang balita, ni hindi metriko romanse kundi metro ng kuryente ang binabasa ko. Iyon din ang sanhi ng kunot sa …

Tagumpay ng Lahat

Salin ng Winners All ni Ophelia Dimalanta
Isinalin ni Manolito Sulit
Musika ni Antonio Africa

 

Laro lamang ito ng magkakaibigan
Hindi isang laban ng buhay o kamatayan;
Manalo ka ngayon, o matalo bukas,
Putong ng tagumpay, sinong magsusukat?

Umaalingawngaw sa iyong ulunan
Ang laksang sigawan patungong tagumpay;
Hihigtan pa kaya ang kaba ng dibdib
Niyong naghahangad sa laba’y manaig?

Panalo ka pa rin, kahit na malugmok,
Basta’t di umurong sa pakikihamok;
Dahil may higit pang labang aabangan,
Susubok sa loob, diwa’t katatagan.

Manalo-matalo, lahat nagwawagi,
Lalong lumalakas sa bawat sandali;
Pagsapit sa yugtong pinananabikan—
Huwag panghinaan, yao’y puntos lamang!

 

(Ang kahuli-hulihan naming kolaborasyon ni Ma’am Ophie noong taong 2007, hanggang mabalitaan ko ang kanyang pagpanaw noong Nobyembre 4, 2010.)

Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes

Nasa hayskul ako noon, huling bahagi ng 80s, nang pasilip-silip kong binabasa sa Liwayway ang nobela-seryeng Laro sa Baga ni Edgardo M. Reyes. Pamagat pa lang, talagang nakaka-curious na sa isang kabataang nasa bukana pa lang ng kamunduhan, at nanunulay sa gitna ng kamalayan at kahalayan. Ibang sarap y’on na may kahalong hiya (takot) …

Basa nang Basa

Binubuksan ko ang pitak na “NBSMoNB?” dito sa manunulat.com. Isang nabasa kong akdang Filipino ang itatampok ko bawat buwan upang ipakilala sa ating mga kababayan (at sa mga dayuhang mambabasa rin). Hindi ito kritisismo, at hindi ko kailangang sabihin kung maganda o pangit ang gawa. Ang pangunahing layunin ko rito ay maengganyo …

Sulyap|Manolito C. Sulit

“It was a look that was somehow beyond all these, beyond all the different compartments of love we have down here on earth.” – Eben Alexander, M.D. on “Proof of Heaven”   Kung gusto mong makita ang langit, tingnan mo ako– nasa aking mga mata. Damhin mo sa titig ko …

Paano Natin Pauunlarin ang Bayang Ito? | Manolito Sulit

Hindi sa kaningningan ng pasko Hindi sa kasayahan ng piyesta Hindi sa mga usok ng bagong taon Hindi sa rampa ng mga reyna Hindi sa mga sakripisyo ng semana santa Hindi sa luwalhati ng pagdagit o pagbati Hindi sa pagpupugay sa mga santo Hindi sa mga sermon o talumpati Hindi …

Kumusta na kaya si Ka Simpli?

Kasaysayan Ng Paglalakbay ni Simplicio Bisa from Acel van Ommen on Vimeo.

Kaydaming kaibigang manunulat na dapat kong dalawin at kumustahin, ngunit sa ngayon, dahil sa distansya at kaabalahan, wala akong magawa kundi alalahanin. Isa sa mga manunulat na ito si Ka Simpli, o si Simplicio P. Bisa, kapwa Batangueño mula sa bayan ng Taysan, at isa sa mga paborito kong kwentista. Nang nagtuturo pa ako sa Pamantasang De La Salle ng Maynila, mula 1993 hanggang 1997, hindi lang “tatay” o magulang ang tingin ko kay Ka Simpli–“kabarkada” rin, samakatwid ay kaibigan, na parang kaedad ko lang. Sa totoo lang, nang matagpuan ko ang videong ito na inihanda ng kanyang pamilya para sa kanyang ika-80 kaarawan noong 2011, saka ko lang namalayan ang malaki naming agwat. Naisip kong talagang kaylayo na namin sa isa’t isa, at talagang napakaikli lang ng panahong aming pinagsamahan. Susulatin ko pa ang mas mahabang tampok tungkol sa kanya (pagkadalaw ko) pero sa ngayon, nasasabik akong ibahagi muna ito sa iyo.

Si Cirilo

Una kong nakilala si Cirilo F. Bautista nang nag-aaral pa ako sa UST. Iyon ang ikalawang Thomasian Writers Workshop, kung hindi ako nagkakamali, sa tag-araw ng 1992. Katamtaman ang haba ng kanyang buhok na takip-tenga mula sa dekada sitenta, naglalaban ang puti at itim maging sa bigote; naka-barong na kulay …

Satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan

Pagtanggap ng suhol, paggamit ng impluwensya, maluhong pamumuhay gamit ang pera ng bayan, extorsyon at pananakot, pag-abuso sa kapangyarihan, imoralidad, mga iligal na transaksyon… Pamilyar ba sa iyo ang mga ito? Hindi ito tungkol sa Napoles-PDAF, DAP, NBN-ZTE deal, fertilizer, huweteng at katakutakot na scam na pinagdaanan at patuloy na …

Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee

Isang nilalang ang iniluwal ng maulap na guniguni ng henyong si Ricky Lee: isang baklang manananggal na nakaisplit pati ang personality, na itinalagang maging tagapagligtas ng Pilipinas. “Iligtas mula saan?” tanong ni Amapola. Sa mga hindi pa nakabasa, ihanda n’yo ang sarili sa pagtawang mag-isa. Naiimadyin ko na nga itong isang pelikula na pagbibidahan …