Satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan

Pagtanggap ng suhol, paggamit ng impluwensya, maluhong pamumuhay gamit ang pera ng bayan, extorsyon at pananakot, pag-abuso sa kapangyarihan, imoralidad, mga iligal na transaksyon… Pamilyar ba sa iyo ang mga ito? Hindi ito tungkol sa Napoles-PDAF, DAP, NBN-ZTE deal, fertilizer, huweteng at katakutakot na scam na pinagdaanan at patuloy na …

Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee

Isang nilalang ang iniluwal ng maulap na guniguni ng henyong si Ricky Lee: isang baklang manananggal na nakaisplit pati ang personality, na itinalagang maging tagapagligtas ng Pilipinas. “Iligtas mula saan?” tanong ni Amapola. Sa mga hindi pa nakabasa, ihanda n’yo ang sarili sa pagtawang mag-isa. Naiimadyin ko na nga itong isang pelikula na pagbibidahan …

Hunyango sa Bato ni Abdon Balde Jr.

  Una kong nabasa si Abdon “Jun” Balde noong 2006 nang maging managing editor ako ng Ani 32, isang pampanitikang publikasyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Nabasa ko ang kanyang “Mga Kuwento Mulang Kathmandu” na matutunghayan din sa huling bahagi ng kakaibang nobelang ito na Hunyango sa Bato. Nasabi kong …

Para Kay B ni Ricky Lee

Kung ibabase sa konti kong nabasa sa mga akda ni Ricky Lee (at isama na rin ang ilang pelikula), masasabi kong hindi pamilyar sa akin ang nobelang “Para Kay B” (2008 pa ito nalathala). Hindi ko agad masasabing si Ricky Lee ang sumulat nito. Pero dahil ayoko namang maging kritiko …

Ang Lihim ng Ultramar ni Rhod V. Nuncio

  Medyo uneasy akong basahin ito sa simula dahil sa tagpuang La Salle na may isang panahong naging tahanan ko bilang isang kabataang guro noon. Dahil propesor doon ang awtor, pumasok sa isip ko na tila napakaalwan naman para sa kanya na gawin pang Lasalista ang sentrong tauhan ng nobela, …

Kumbakit Hindi Nagbabasa ang mga Filipino – ng Akdang Filipino!

Tatlong bagay ang hindi ko na tatalakayin sa post kong ito: kolonyalismo, edukasyon at ekonomiya. Mabuting bawasan natin ang mga pwede nating sisihin sa ating sitwasyon ngayon. Iisipin ko na lang muna na unti-unti na nating naiisafilipino ang ating kamalayan at isa na lang minorya ang mga maka-Ingles; na nagiging …