Ang May Hawak ng Solusyon

Kapag naroon ka na sa gitna ng ilog at nakadilat sa iyo ang maitim na kontaminasyon… ang makapal, malagkit at mabahong burak, kahalo ang pinagpalitang dayaper at iba pang basurang sadyang itinapon doon, tulad ng isang karumal-dumal na krimeng walang umaako… ang pakiramdam mo sa sarili mo, isa kang superman …