Tagumpay ng Lahat

Salin ng Winners All ni Ophelia Dimalanta
Isinalin ni Manolito Sulit
Musika ni Antonio Africa

 

Laro lamang ito ng magkakaibigan
Hindi isang laban ng buhay o kamatayan;
Manalo ka ngayon, o matalo bukas,
Putong ng tagumpay, sinong magsusukat?

Umaalingawngaw sa iyong ulunan
Ang laksang sigawan patungong tagumpay;
Hihigtan pa kaya ang kaba ng dibdib
Niyong naghahangad sa laba’y manaig?

Panalo ka pa rin, kahit na malugmok,
Basta’t di umurong sa pakikihamok;
Dahil may higit pang labang aabangan,
Susubok sa loob, diwa’t katatagan.

Manalo-matalo, lahat nagwawagi,
Lalong lumalakas sa bawat sandali;
Pagsapit sa yugtong pinananabikan—
Huwag panghinaan, yao’y puntos lamang!

 

(Ang kahuli-hulihan naming kolaborasyon ni Ma’am Ophie noong taong 2007, hanggang mabalitaan ko ang kanyang pagpanaw noong Nobyembre 4, 2010.)

A Prayer for Duterte

While we ask the government for redress of our grievances, we the people (including Church leaders) must not join the partisanship of those whose obvious aim is to topple either the elected leadership or the government, and replace it with their own beast they can control. When I chose to support President Duterte, who came to power not by a people power revolution, nor by ousting an incumbent leader (or trying a coup like you know who), I began to realize that people must work with their leaders, desiring not their downfall but their success (yes, even if you dislike them). There are many occasions that our voices will not be heard, our problems unresolved, but the law provides for the only peaceful means to change our leaders, which is through election (also through impeachment and maybe, through “prayer”). That’s why it’s very important that we take our right of suffrage seriously. Don’t sell it–it’s priceless! The way democracy works isn’t perfect like Duterte, but no, not true at all that we are led by a tyrant (c’mon, you can still rally and shout insults; as US Sen. Gardner said, “This is not North Korea”), and like many ordinary Filipinos, as misinformed as we are to you, other worlds come to mind and I’m not convinced of a better alternative. At least in this realm, it is not a crime to fancy about higher beings and pray. Always pray and do not lose heart (Luke 18:1). Pray for the President. Pray for the nation.

Ang Numero ng Maykapal: 1.618

Matapos kong mapanood ang dokumentaryong “God’s Existence” (Ang Pagkakaroon ng Diyos), lalo akong nakumbinsi–gaya ng pagkakumbinsi ko tungkol sa resureksyon sa isa pang dokumentaryong “Shroud of Turin”–na naririyan sa lahat ng bagay ang matatawag na “watermark” o palatandaan ng Maykapal.

Ayon sa Google: “1.618 is a mathematical formula that is found in many things, thus proving the universe was created by Intelligent Design, that is, God” (ang 1.618 ay isang matematikong pormula na makikita sa maraming bagay, na nagpapatunay na ang uniberso ay nilikha ng Matalinong Disenyo, ng Diyos nga).

Bagamat walang kinalaman sa aking natunghayan, naglaro sa isip kong hanapin ang mga numerong 1 6 1 8 sa Bibliya sa pamamagitan ng Google at ito ang aking pinakamagandang nahanap:

Juan 1:6-18
(6) At naparito si Juan na isinugo ng Diyos (7) upang magpatotoo sa mga tao patungkol sa ilaw at upang ang lahat ay sumampalataya dito. (8) Hindi siya ang ilaw subalit naparito siya upang magpatotoo patungkol sa ilaw. (9) Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.

(10) Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. (11) Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan. (12) Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. (13) Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil sa kalooban ng Diyos.

(14) Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

(15) Nagpatotoo si Juan tungkol sa kanya. Isinisigaw niya, Siya ang tinutukoy ko nang aking sabihin, Ang darating na kasunod ko’y higit kaysa sa akin, sapagkat siya ay naroon na bago pa man ako ipanganak.

(16) Dahil siya’y puspos ng pag-ibig, naranasan natin ang masaganang kagandahang-loob ng Diyos. (17) Dumating ang Kautusan sa amin sa pamamagitan ni Moises; ngunit sa pamamagitan naman ni Jesu-Cristo ay dumating ang kagandahang-loob at katotohanan. (18) Kailanma’y wala pang taong nakakita sa Diyos, ngunit siya ay ipinakilala ng kaisa-isang Diyos na lubos na minamahal ng Ama. (PINAGKUNAN)

Nagkataon lamang kaya, sa dinami-rami ng samutsaring paksang laman ng banal na aklat, na ang Juan 1:6-18 ay eksakto ring tumatalakay sa kalikasan ni Kristo at ng Diyos?

Ngunit “sino nga’ng makaaangkin sa Diyos?” ang tanong ni Rilke. Ang ipaangkin Siya sa isang relihiyon (lamang) ay paglilimita sa Kanyang Kalikasan. Maging ang pagtatayo ni Kristo ng kanyang Iglesya ay interpretasyon lamang ng tao. Hindi ako makapaniwalang pumanaog si Kristo sa lupa upang magtatag lang ng isa pang relihiyon. Hindi ba’t ang nais niya ay pabalikin ang tao sa Diyos? At ang pagbabalik-loob sa Diyos ay hindi nangangahulugang pag-anib at pagpapasakop sa relihiyon. Napakalawak at napakahiwaga ng Sangnilikha upang bigyang-kahulugan lang ng mga teksto at maging ng mga pamahiin ng relihiyon, anuman ito.

Sapat na ang sumampalataya, sabi nga, ngunit iba pa rin ang mamangha. Kung tunay kang naniniwala sa Diyos, hindi mo dapat palagpasin ang mahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Sangkatauhan. Sa wakas ay tinuldukan na ng mismong Siyensya at ng Kalikasan ang walang kahahantungang paniniwala sa Ebolusyon at Multiberso mula kay Darwin hanggang kay Hawking. Buhay ang Diyos–ang Diyos ay Buhay! Mamamangha ka sa iyong masasaksihan.

Kumusta na kaya si Ka Simpli?

Kasaysayan Ng Paglalakbay ni Simplicio Bisa from Acel van Ommen on Vimeo.

Kaydaming kaibigang manunulat na dapat kong dalawin at kumustahin, ngunit sa ngayon, dahil sa distansya at kaabalahan, wala akong magawa kundi alalahanin. Isa sa mga manunulat na ito si Ka Simpli, o si Simplicio P. Bisa, kapwa Batangueño mula sa bayan ng Taysan, at isa sa mga paborito kong kwentista. Nang nagtuturo pa ako sa Pamantasang De La Salle ng Maynila, mula 1993 hanggang 1997, hindi lang “tatay” o magulang ang tingin ko kay Ka Simpli–“kabarkada” rin, samakatwid ay kaibigan, na parang kaedad ko lang. Sa totoo lang, nang matagpuan ko ang videong ito na inihanda ng kanyang pamilya para sa kanyang ika-80 kaarawan noong 2011, saka ko lang namalayan ang malaki naming agwat. Naisip kong talagang kaylayo na namin sa isa’t isa, at talagang napakaikli lang ng panahong aming pinagsamahan. Susulatin ko pa ang mas mahabang tampok tungkol sa kanya (pagkadalaw ko) pero sa ngayon, nasasabik akong ibahagi muna ito sa iyo.