NBSMoNB?

Ang Lihim ng Ultramar ni Rhod V. Nuncio

0
(0)

Medyo uneasy (nag-aalangan) akong basahin ito sa simula dahil sa tagpuang La Salle na may isang panahong naging tahanan ko bilang isang kabataang guro noon. Dahil propesor doon ang awtor, pumasok sa isip ko na tila napakaalwan naman para sa kanya na gawin pang Lasalista ang sentrong tauhan ng nobela, at pati na ang ginagalawang kapaligiran. Kung mas kilala ko pa si Rhod, siguro may iba pa akong maituturong pagkakahawig sa kanyang mga karanasan, halimbawa’y ang ibang lugar na pinuntahan ni Arvin Villa, at ang kanyang mga opinyon, panlasa, tipo niyang babae atbp.

Pero ano’ng paki ko kung gusto ni Rhod sulatin ang mga y’on? Hindi naman bawal, di ba?

Bilang mambabasa, ang gusto lang nating malaman ay kung maganda, makabuluhan at sabihin pa’y kapana-panabik ang nobela, at walang kagatol-gatol na “oo” ang sagot ko. Dapat mong mabasa ang nobelang ito, ipagyabang sa mga ka-fb at bitbitin habang nakatayo sa MRT. Kung palabasa ka ng mga kwentong detektib sa Ingles, marami kang namimis kung iniisnab mo ang sarili nating literatura. Naalala ko tuloy ang Pagkamulat ni Magdalena nina Alejandro G. Abadilla at Elpidio P. Kabulong, at ang Satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan – NABASA MO NA BA?

Nasiyahan ako sa maiiksi ngunit solidong mga kabanata, na lahat naghahangad tuklasin ang misteryo ng Ultramar (at isipin mo, lagi iyong bumubulaga sa atin at di natin nakikilala). Nagustuhan ko ang mga tauhang hindi perpekto, ang kawalan ng interes (ng awtor) na sinuhin ang masama sa mabuti. Lahat may kapintasan, at ang nalalabi na lang sa tao (sa Filipino) ay gawin ang dapat niyang gawin, anuman y’on, kung y’on ang makakabuti!

Inilathala 2013 ng UST Publishing House
Orihinal na pamagat: Ang Lihim ng Ultramar
ISBN: 9789715066792
Wika ng edisyon: Filipino
215 pahina

Nagustuhan mo ba? (Did you like this post?)

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Please share on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Isinilang noong Oktubre 1972 sa maburol na bayan ng Ibaan sa lalawigan ng Batangas, si Manolito C. Sulit ay awtor ng IBANG DAAN PAUWI (mga tula), NANG TAYO'Y MATUBOS (mga tula), MARTIAL LAW KID (nobela), at BARAKO (pelikula). Umaasa siyang masulat ang lahat ng nobelang nasa isip niya sa nalalapit niyang ginintuang panahon at hangga't ipinahihintulot ng Maykapal.

Leave a Comment

error: Content is protected !!