NBSMoNB?

Para Kay B ni Ricky Lee

0
(0)

Kung ibabase sa konti kong nabasa sa mga akda ni Ricky Lee (at isama na rin ang ilang pelikula), masasabi kong hindi pamilyar sa akin ang nobelang Para Kay B (2008 pa ito nalathala). Hindi ko agad masasabing si Ricky Lee ang sumulat nito. Pero dahil ayoko namang maging kritiko ng una niyang nobela, iiwasan kong magkumpara. Basta ang una ko lang reaksyon nang buklat-buklatin ko ang libro: aba, pinasok na rin ni Ricky Lee ang genre ng pagpapatawa! Ano ba’ng dapat kong asahan dito?

Lalo itong pinatotohanan ng ikalawa niyang nobela na ipinakilala niya sa pahina 244, Si Amapola sa 65 na Kabanata, lumabas 2011, tungkol sa isang baklang manananggal na magiging tagapagligtas ng Pilipinas (may kopya rin ako). Gayunman, may mga bagay na hindi nawawala (at hindi mawawala) sa gawang Ricky Lee: ang matalas na sensibilidad at matibay na hawak sa realismong Filipino. Manaka-naka, pabugso-bugso, pasilip-silip ito sa maraming bahagi ng nobela. Sa limang kwentong nakapaloob dito, hindi laging nagpapatawa si Ricky Lee, halimbawa, sa kwento ni Sandra. Sa kanya unang binuksan ng Writer (isa rin sa mga tauhan) ang kanyang teorya tungkol sa pag-ibig. Sabi niya: “Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.”

Hindi rin uli nagpapatawa si Ricky Lee sa ikalimang kwento, tungkol kay Bessie. Si Bessie naman ang… oops! Unfair naman sa mga hindi pa nakabasa. At kagaya rin ni Sandra, hindi ako kumbinsido sa teorya ng Writer. Gayunman, maganda itong pag-usapan at hanapan ng ebidensya. Nang magwala na mula sa katinuan ng Writer ang limang pangunahing tauhan (Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie), ang talagang naramdaman ko – si Ricky Lee ang gustong kumawala (Ayan! Ayan na si idol!).

Basta ang sigurado ko, pamilyar ka man o hindi kay Ricky Lee, hindi mo babasta-bastahin ang nobelang Para Kay B. NABASA MO NA BA?

Sa sunod na lang ang tungkol kay Amapola ha?

Inilathala 2013 ng Writers Studio Philippines, Inc.
Orihinal na pamagat: Para Kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)
ISBN: 9789719430704
Wika ng edisyon: Filipino
243 pahina

Nagustuhan mo ba? (Did you like this post?)

Click on a star to rate it!

Average rating 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

As you found this post useful...

Please share on social media!

We are sorry that this post was not useful for you!

Let us improve this post!

Tell us how we can improve this post?

Isinilang noong Oktubre 1972 sa maburol na bayan ng Ibaan sa lalawigan ng Batangas, si Manolito C. Sulit ay awtor ng IBANG DAAN PAUWI (mga tula), NANG TAYO'Y MATUBOS (mga tula), MARTIAL LAW KID (nobela), at BARAKO (pelikula). Umaasa siyang masulat ang lahat ng nobelang nasa isip niya sa nalalapit niyang ginintuang panahon at hangga't ipinahihintulot ng Maykapal.

Leave a Comment

error: Content is protected !!