Nang Tayo'y Matubos

Nang Tayo’y Matubos | Estasyon 1

Ang Huling Hapunang Kapiling si Hesus

 

Patungo bang Emaus ang tahak na landas?
Kasabay man kita, di natatalastas;
Sa aking pagliko, pa’no kung mawala?
Pagkabagabag ko’y lalong lumulubha;
Kislap ng silahis sa mga mata ko,
May hayag na nasang ikaw ay dumito;
Saluhan mo ako sa baon kong alak;
Sabayan mo akong umawit sa galak;
Sa init ng siga paglatag ng dilim,
Tinapay mong hawak, iyo nang hatiin,
Mata kong mabigat, tulutang mabuksan,
Poon ko’y makita sa aking harapan.

“Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay,
Ang bigay ng Diyos mulang kalangitan;
Di na magugutom sinumang lalapit,
At di mauuhaw yaong nananalig.”

Mahapdi ang gutom sa tiyang may kabag,
Ngunit ang pagkai’y gasapok sa palad;
Silang maralitang walang bumubusog,
Nabubuhay din nga sa awa ng Diyos;
Mula Akeldama, mayroong nagbangon;
Hanapbuhay niya’y maglikom ng suhol;
Katotong matalik ng masamang nasa,
Sa nakaw na yaman ay nagtatamasa;
Matapat na tao’y bakit nga tumanan?
Di raw ikabuhay ang ganda ng aral;
Sa yapak ng bulag, daming sumusunod;
Sa bitag ng tukso’y daming nahuhulog.

Poon, mundo nami’y lingapin mo ngayon;
Ano kung magwakas ang imbing panahon?
Walang manunumbat, ang trigo ma’y kitlin;
Sa araw mong banal, kami ay kumain.

 

Bokabularyo:
Siga – apoy
Akeldama – lugar na kinamatyan ni Hudas
Imbi – walang kwenta

0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected !!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x