Tula

Day Care Philippines

Sabik magpapasok ang mga magulang,
Bibili na ng bag, payong at baunan,
At sa wikang Ingles ay patyutyuturan,
Kahit dumedede’t alangan ang gulang.

Musmos na nagtapos, lahat bumibilib –
Kung ilang medalyang sa leeg nagsabit;
Ang batang nag-speech sa wikang di batid,
Pinalakpakan din – wala mang nakinig.

 

(Marso 2012)

0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected !!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x