Tula

Paano Natin Pauunlarin ang Bayang Ito

Hindi sa kaningningan ng pasko
Hindi sa kasayahan ng piyesta
Hindi sa mga usok ng bagong taon
Hindi sa rampa ng mga reyna
Hindi sa mga sakripisyo ng semana santa
Hindi sa luwalhati ng pagdagit o pagbati
Hindi sa pagpupugay sa mga santo
Hindi sa mga sermon o talumpati
Hindi sa ingay ng palaro
Hindi sa ligaya ng kamusmusan
Hindi sa mga alaala
Hindi sa mga retrato–
Hindi sa pagtatakip ng totoo.

 

(Abril 1, 2015)

0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected !!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x