Salin

Our Happy Ending

(IU – Hotel Del Luna)

salin ni Manolito C. Sulit

 

Ang nais ko sana/ wakas natin
ay hindi malungkot/ pagkat ayokong umiyak
kung maari sana ang nais ko/ ay happy ending.

Kung di mangyari ‘yon/ maging pilat kang
laging may kirot/ nang laging maalala ka
kahit mahapdi/ sana’y gawin mo rin/ para sa akin.

Saglit lang na mamasdan kita
lungkot ko’y agad naglalaho
Nais ko/ ang mahimlay sa bisig mo ngayon

Hahamakin ng pag-ibig ko
ang kabang mapalayo sa ‘yo
Nang masilayan/ sa taglamig/ mukha mong kayrikit

Kung di mangyari ‘yon/ sa wakas isipin mo ako
lumbay ng b’wan ay marilag,
samyo’y nalalagas na/ pagsapit
ng happy ending.

 

0 0 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments
error: Content is protected !!
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x