Blog, Rebyu, atbp.

OK, bukod sa blog, isinama ko na rin dito ang “rebyu” (puwedeng buk rebyu, film/serye rebyu) pati na ang “iba pa” na maaaring mas makabuluhan kaysa sa simpleng blog. Pangatlong pagpapalit ko na rin ng theme ng websayt. Hindi pa rin ako kontento sa nahanap ko pero, sige, hayaan ko na lang muna dahil mas mahalagang may masulat ako ngayon.

Malamang, dito ko na lang itutuloy ang nasimulan ko dati na mini-rebyu ng bawat librong (Filipino) na nabasa ko para magkaroon naman ako ng kahit kaunting silbi sa tanang bumabasa nito. Baka ito na rin, sa wakas, ang maging pinal na anyo ng websayt na ito. Abangan mo na lang!

Hindi ko na muna pupuwersahin ang sarili ko na magtalakay ng “malalalim” na bagay. Hindi na ako laging magpapaumanhin sa aking “kababawan”. Mas mabuti pang tiyakin kong may masulat ako, hindi man iyon ang akdang mag-aahon sa kamangmangan ng ating lahi, o sasagip sa bansang ito mula sa kabulukan.

Hindi ko na rin masyadong pag-iisipan kung paano ko ito tatapusin, gaya nito.

Leave a Reply