Contests - Sali na sa ALIWANAG, kontes sa pagsulat ng kuwentong pambata sa Hiligaynon, Kinaray-a at Aklanon!

Published on July 20, 2019
Published by Anonymous
Viewed by 71 people
#109
Check with seller

Description of item

Magkatuwang na proyekto ito ng Kasingkasing Press at Aklat Alamid. Bilang nangungunang lathalaan ng mga librong pampanitikan sa Kanlurang Visayas, isinusulong ng Kasingkasing Press ang pag-unlad ng sari-saring panitikan, kultura, at wika sa nasabing rehiyon. Naglalathala naman ang Aklat Alamid ng mga librong pampanitikan para sa mga batang Filipino na nakasulat sa iba’t ibang wika sa bansa.

Maaaring sumali ang sinumang nakapagsusulat sa mga wikang Hiligaynon, Kinaray-a, at Aklanon.

Ipapasa ang isang maikling kuwentong isinulat para sa mga batang 6-9 taong gulang. Hindi maaaring lumampas sa 700 salita ang buong kuwento. Isusulat ito sa wikang Hiligaynon, Kinaray-a, o Aklanon. Kailangang orihinal na likha ang kuwento at hindi muling pagsasalaysay o paghahalaw ng isang kuwentong bayan o ng anumang naunang akda. Maaaring magpadala ng higit sa iisang kuwento ang sinumang sasali.

Ipapadala ang kuwento bilang kalakip ng isang email sa aklat.alamid@gmail.com. Ilalagay sa subject ng email ang ALIWANAG at sa loob nito ang buong pangalan ng sasali, bayan at/o probinsiya, at maikling pagpapakilala ng sarili. Sa 1 Oktubre 2019 ang huling araw ng pagpasa ng mga lahok.

Pipili ang isang lupon ng mga hurado ng isang mananalo at isa hanggang limang karangalang banggit. Tatanggapin ng mananalo ang P5,000.oo, sertipiko, at alok na mailathala ang kaniyang kuwento. Tatanggapin naman ng bawat karangalang banggit ang P1,000.oo at sertipiko.

Para sa mga paglilinaw at tanong, magpadala lamang ng mensahe sa kasingkasingpress@yahoo.com o sa aklat.alamid@gmail.com.

(Disenyo ng poster ni Ara Villena)

https://web.facebook.com/AklatAlamid/photos/a.2672520972764304/2781826385167095/?type=3&theater

Location

Country
Philippines
City
Iloilo
Share by email Share on Facebook Share on Twitter Share on Google+ Share on LinkedIn Pin on Pinterest

Review & feedback on Sali na sa ALIWANAG, kontes sa pagsulat ng kuwentong pambata sa Hiligaynon, Kinaray-a at Aklanon! (0)

    Be first to review or feedback

    Add new review

    Post any questions you have or your experience with this item or seller. All comments are moderated
    Real name or Username
    Will not be published
    Review, feedback or question
    *
    This field is required
    Clear