Lectures - Ano na ang Ating mga Nagawa?

Published on July 20, 2019
Published by Anonymous
Viewed by 22 people
#108
Check with seller

Description of item

Inihahandog ng

Bienvenido N. Santos Creative Writing Center
Departamento ng Literatura
DLSU Libraries

kaugnay sa pagdiriwang ng
Pambansang Araw ng mga Aklat Pambata

Lektura:

Ano na ang Ating mga Nagawa? 

Ang Huling Sampung Taon ng Panitikang-pambata sa Pilipinas

ni

Genaro R. Gojo Cruz

23 Hulyo 2019
12:45-2:30 n.h. (Martes)
Event Area, The Learning Commons
6/F Henry Sy Sr. Hall 
De La Salle University, Taft Avenue, Manila

Tungkol sa Lektura:

Layunin ng lektura na balikan ang kalagayan ng produksiyon ng panitikang pambata sa nakalipas na sampung taon. Bahagi ito ng hangarin ng taunang selebrasyon ng Pambansang Araw ng mga Aklat Pambata na lalong paangatin ang interes para sa panitikang pambata.

Bukod sa lektura, magkakaroon din ng exhibit kaugnay sa Panitikang-Pambata na pinamagatang, “Sampung Aklat Pambata na Dapat Nabasa Mo Noong Bata Ka” na pinangasiwaan ni G. Gojo Cruz. Makikita ang exhibit sa the Learning Commons, HSSH: 6F Event Area, Hulyo 22-23, 2019; at 10F Filipiniana Collection, Hulyo 24-Agosto 27, 2019. Ang proyektong ito ay pinangungunahan ng BNSCWC, DLSU Libraries, at Departamento ng Literatura.

Abstrak ng Lektura:

Di-nawawala ang alab sa paglikha ng mga aklat-pambata hanggang sa taong kasalukuyan. Marami na ngayong dumadagdag sa malalaking publikasyon, tulad ng mga ahensiya ng Gobyerno at pribadong organisasyon, ang nagkakaroon ng interes maglathala ng mga aklat-pambata. Sinasabi ng isang manunulat ng mga akdang-pambata, na di-mapasusubalian na tayo ngayon ay nasa “Gintong Panahon ng Panitikang-Pambata.”

Tatangkain ng lekturang ito na balikan ang huling sampung taon ng produksiyon ng panitikang pambata sa Pilipinas. Ano-ano ang naikuwento na ng mga manunulat sa mga batang Filipino? May mga nadagdag bang mga bagong kuwento na tumalakay sa kontemporanyong panahon o sa higit na mabibigat ng isyung panlipunan? Ano-anong uri at anyo ng aklat-pambata na nalilikha para sa mga batang Filipino? Sa anong anyo/uri ng mga aklat-pambata ang higit kailangang palakasin ang produksiyon? Sapat na ba ang ating mga nagawa sa panitikang pambata para makalikha tayo ng isang nasyong nagbabasa?

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 524-4611 local 233 o magpadala ng email sa bnscwc@dlsu.edu.ph.

Location

Country
Philippines
Region
Metro Manila
City
Manila
Address
2401 Taft Ave., Malate

Other information

About the author: Si Genaro R. Gojo Cruz ay isang guro at manunulat na nagsusulong ng panitikang-pambata sa Pilipinas. Awtor siya ng mahigit sa 80 aklat-pambata.

Ang kaniyang mga kuwentong-pambatang naisulat ay pinarangalan ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, PBBY-Salanga Writers Prize, Romeo Forbes Story Writing Contest, Gawad Panitikang Pangkalusugan, at Gig Book Storywriting Contest.

Itinanghal din siyang Makata ng Taon noong 2004 at 2007. Kinilala rin ng National Children’s Book Awards (NCBA) bilang Best Reads for Kids 2018 ang kaniyang aklat-pambatang “May Gulong na Bahay.”

Nagtuturo siya ngayon sa Literature Department ng De La Salle University. Siya rin ang Associate for Children's Literature ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center sa DLSU.

Share by email Share on Facebook Share on Twitter Share on Google+ Share on LinkedIn Pin on Pinterest

Review & feedback on Ano na ang Ating mga Nagawa?(0)

    Be first to review or feedback

    Add new review

    Post any questions you have or your experience with this item or seller. All comments are moderated
    Real name or Username
    Will not be published
    Review, feedback or question
    *
    This field is required
    Clear