Lectures - PLAKARD: Panayam at Lunsad-Aklat

Published on August 14, 2019
Published by Anonymous
Viewed by 25 people
#114
Check with seller

Description of item

Bienvenido N. Santos Creative Writing Center
Departamento ng Literatura

at

Departamento ng Filipino
katuwang ang
Balangay Media Productions

PANAYAM at PAGLULUNSAD

“PLAKARD” 
(Isang Balangay Media Productions)

ni

Dr. Efren R. Abueg

Agosto 15, 2019
Huwebes, 11:00-2:30 n.h.
Yuchengco Seminar Room 507-509
De La Salle University, Taft Avenue, Manila

Tungkol sa Panayam at Lunsad-Aklat

Isa sa maituturing na haligi ng panitikang Pilipino ang makata, kuwentista, at nobelistang si Dr. Efren Abueg. Mula sa pagiging regular na contributor ng maiikling kuwento at nobela sa magasing “Liwayway” hanggang sa pagiging bahagi ng premyadong antolohiya ng maiikling kuwento na Mga Agos ng Disyerto,” hindi maikakailang malaki ang naging ambag ni Dr. Abueg sa kalinangan ng panitikan sa bansa. Sa panayam na ito, muling babalikan ang kaniyang makulay na karanasan bilang manunulat at guro. Bukod pa, kasabay ding ilulunsad ang librong “Plakard,” kalipunan ng kaniyang mga maiikling kuwento.

Tungkol sa Aklat

Dalawa lamang antolohiya ng mga kuwento sa anomang wikang sinasalita sa Pilipinas ang nagharap sa sambayanang Pilipino ng tungkol sa mga pangyayari, kaisipan at damdaming humantong sa isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa – ang Rebolusyong EDSA. Una ang Sigwa, katipunan ng maiikling kuwento na pinamatnugutan ni Ricky Lee ng inilathala bago ideklara ang martial law; ikalawa itong Plakard na hango ng awtor ang maraming akda sa mga pahina ng Liwayway at iba pang popular na publikasyon.

Bahagi ang may-akda ng mga nangyari sa panahon ng aktibismo at isinangkap niya ang ilang karanasan niya sa mga kuwentong nilalaman ng antolohiyang ito. May kani-kaniyang pananaw ang maraming manunulat at alagad ng sining sa mga nangyari sa lipunan noong mga panahong iyon. Ang paghuhunos ng mga karanasang iyon ang naglantad at maglalantad pa ng kanilang mga ideolohiya na magtatakda ng kapalaran ng ating bansa sa darating na mga taon.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa 524-4611 local 233 o magpadala ng email sa bnscwc@dlsu.edu.ph

Location

Country
Philippines
Region
Metro Manila
City
Manila
Address
2401 Taft Ave., Malate

Other information

About the author: Si Efren R. Abueg ay ginawaran ng Alab ng Haraya Lifetime Achievement for Literature ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA, 2002), nagkamit ng ilang Palanca Memorial Awards for Literature (maikling kuwento) at Gantimpalang Liwayway sa nobela, at isa sa limang manunulat ng antolohiya ng premyadong maiikling kuwentong nakaapat nang edisyon, ang Mga Agos sa Disyerto (1964, 1974, 1995, 2010) matagal na nagturo sa dalawang kampus ng De La Salle University (Maynila at Dasmariñas, Cavite). Aktibong nobelista ng lingguhang magasing Liwayway, nagtuturo pa rin siya ngayon sa paaralang gradwado ng University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD).
Share by email Share on Facebook Share on Twitter Share on Google+ Share on LinkedIn Pin on Pinterest

Review & feedback on PLAKARD: Panayam at Lunsad-Aklat(0)

    Be first to review or feedback

    Add new review

    Post any questions you have or your experience with this item or seller. All comments are moderated
    Real name or Username
    Will not be published
    Review, feedback or question
    *
    This field is required
    Clear