Ang Presyo ng Pagkatao

2019-05-28 at 5:20 pm by Mano | Posted in Social

“Aanhin pa ang bahay na bato kung nakatira’y kuwago. Buti pa ang bahay-kubo, nakatira’y tao.” “Hindi lahat ng bagay ay nabibili ng salapi.” “Hindi baleng mahirap tayo, basta malinis ang pagkatao.” Marami tayo ng ganyang mga kasabihan at salawikaing ipinahihiwatig ang kahigtan ng mabuting kalooban kaysa sa kayamanan. Ang mga iyan din ang laman ng […]

Read more»

Tula

2019-05-10 at 8:17 pm by Mano | Posted in Literary

Read more»

Ang Habla ng Ilog

2019-05-10 at 7:46 pm by Mano | Posted in Environmental

Kapag naroon ka na sa gitna ng ilog at nakadilat sa iyo ang maitim na kontaminasyon… ang makapal, malagkit at mabahong burak, kahalo ang pinagpalitang dayaper at iba pang basurang sadyang itinapon doon, tulad ng isang karumal-dumal na krimeng walang umaako… ang pakiramdam mo sa sarili mo, isa kang superman na may magagawa pang paraan […]

Read more»

Napanood mo na ba ang “The Fiery Priest”?

2019-04-24 at 7:33 am by Mano | Posted in Entertainment

Sigurado akong matindi ang magiging reaksyon ng CBCP kung ipalalabas sa Pilipinas ang The Fiery Priest (Hangul: 열혈사제; RR: Yeolhyeolsaje; lit. Hot Blooded Priest), isang South Korean television series na nagtatampok kina Kim Nam-gil, Kim Sung-kyun and Lee Hanee. Tumakbo ang serye nang may 40 episodyo mula Pebrero 15 hanggang April 20, 2019 tuwing Sabado’t […]

Read more»

Hamon sa mga Katolikong Taga-Ibaan

2019-04-23 at 6:37 am by Mano | Posted in Environmental

Mayo 24, 2015 nang ilathala ni Papa Francisco ang kanyang ikalawang encyclical o liham-sirkular, na pinamagatang “Laudato si’” (Papuri sa iyo). Ang sub-titulo nito ay “Tungkol sa Pagkalinga sa Tahanan Nating Lahat” na tinutukoy ang daigdig na tirahan ng halos 8 bilyong katao at tinatayang 8.7 milyong species sa lupa at karagatan (Mora 2010). Mahigpit […]

Read more»

Anak Ka ba ng Tao?

2019-04-20 at 8:27 am by Mano | Posted in Spiritual

Karaniwan mo itong naririnig sa matatandang Katoliko tuwing Sabado de Gloria: “Patay ang Diyos ngayon!” Mula sa Kanyang kamatayan nang Biyernes Santo, sa araw na ito nanatili sa libingan ang katawan ni Jesus bago sumapit ang Linggo ng Pagkabuhay. Sinasalamin ng paniniwalang ito ang isang mahalagang aspekto ng Kristiyanismo–ang paniniwalang “Diyos” si Kristo. Dahil patuloy […]

Read more»

Dumikrasya

2019-04-10 at 10:32 am by Mano | Posted in Political

dumi-krasya – /dumikrasyá/ pangngalan – sistemang gumagarantiya sa lubos na kalayaan ng mga mamamayang lumahok sa lahat ng maruming gawain sa loob ng estado, gaya ng, at hindi limitado sa malayang pagtatapon ng basura sa mga publikong lugar, malayang pagpapadaloy ng dumi sa mga ilog at iba pang yamang tubig, malayang pagputol sa mga puno, […]

Read more»

Isang Araw sa Buhay ng Trapo

2019-04-08 at 1:11 pm by Mano | Posted in Political

Nangurakot o walang ginawa? Alinman sa dalawa, walang napala ang bayan sa kanya sa araw na ito, gaya ng iba pang araw. Nasa simbahan siya ngayon at ninanamnam ang pagpapala ng Diyos sa kanyang buhay. Maganda ang takbo ng negosyo. Nagpapatayo siya ng mas malaking bahay. Nabibili ni misis ang kanyang gusto. Nakapag-aaral ang mga […]

Read more»